Chapter 25: Kabanata 24
Chapter 25: Kabanata 24
Kabanata 24:
Kaleb and Blake
_____________
Kaleb
"Anak, kumusta naman ang iyong kapatid?"
"Huwag kang mag-alala, Ina. Ayos lang si Clarity."
Kasalukuyan akong naka-upo sa isang sofa habang pinagmamasdan ang mga Prekh na gawin ang
kanilang trabaho. Ang kausap ko ay ang aking ina, si Queenly.
I'm not dead. Hindi rin ako nawala nang ika-pitong kaarawan ni Clarity dahil ang pumalit ay si Blake or
let's say, me. Mahirap paniwalaan dahil malayo ang agwat ko sa kanya. Habang nagbibihis si Clarity ay
ang pagpunta ng Sierra sa bahay namin.
*Flashback*
"S-sierra?"
Ngumiti sa akin si Tita Criyanlie ng makita niya agad ako. Hinawakan niya ako sa balikat at humagulgol
siya ng iyak.
"T-tita? Ano pong problema?"
"K-kaleb, your mother and your father got kidnapped. The Drekys.. Sila ang may kagagawan nito."
"P-po?"
"That's true. We need you Kaleb... You're the prince... you can defeat them."
"H-how about Clarity? Today is her birthday---"
"I know. You can replace yourself, Kaleb. Leave your soul here..."
"H-huh?"
"I know what to do. Come with me."
*End of Flashback*
Hindi ko pinagsisisihan na iniwan ko si Clarity nang kaarawan niya. Iniwan ko ang kaluluwa ko doon
para mabantayan pa rin siya kahit na nasa kabilang dinastiya ako. Nagpalit lang ako ng katauhan pero
hindi ibig sabihin noon na iniwan ko na siya.
I smiled when I remember something. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala ko yung oras
na sinama ako ni Clarity sa puntod ko. Really? Iniisip niya talagang patay ako? Wala talagang tao sa
puntod na 'yon, mga kagamitan lang ng yumaong ama ni Tita Criyanlie ang nandodoon.
*Flashback*
" Blake, ba't mo pinatay? "
" Nakita mo bang pinatay ko ate? Nakita mo? "
" H-hindi. "
Napangiti ako dahil kumunot ang noo ni Clarity. Nakita ko sa 'di kalayuan si Ethan. Binabantayan niya
talaga ang kapatid ko. Sinadya kong patayin ang kandila kaya naalarma ulit siya at doon ako
nagkaroon ng pagkakataon na lapitan si Ethan.
"Alpha, what are you doing here?"
Nanlaki pa ang mata niya ng makita ako pero maya-maya ay biglang humagikhik ng tawa. Baliw 'tong
isang 'to.
"Hahaha. Rintrayasan, you're too small. Pftt."
"Huwag kang tumawa oyy! Kapag ako bumalik sa dati kong anyo, yari ka!"
"S-sorry... pftt. Hahaha, I'm here because I'm following the two of you. Sinisiguro ko lang na walang
mangyayaring masama sa kanya."
"You really love her, huh?"
"Of course... She's my bride. My life. My Clarity."
*End of Flashback*
Nang malaman ng buong kaharian na sinaktan ng Alpha's Bride si Ethan, nagkagulo na. Lahat ng
Prekh ay nag-ibang anyo para sugurin si Clarity pero napigilan sila ng aking ama. Kahit na hindi na
kami ang namamahala ng Vleryt Dynasty, malakas pa rin ang impluwensiya ng ama ko.
"Kaleb, ano pang ginagawa mo dito?"
Napalingon ako sa taong nagsalita at nakita ko si ama. May hawak-hawak siyang ulo ng isang mga
Prekh habang punong-puno ng dugo ang kamay niya.
Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at yumuko bilang tanda ng paggalang. Nag-angat ako ng tingin at
seryoso pa rin ang mukha niya, "Pumunta ka sa mundo ng mga mortal... dalhin mo dito si Clarity."
"Masusunod kamahalan."
Yumuko ulit ako bago umalis sa basement. Bakit ko naman dadalhin dito si Clarity? Wala naman akong
karapatang manghimasok dahil may sarili akong tungkulin.
Nang maka-akyat ako ay nakita ko si Kley kasama si Sarfie. Tss. I hate Sarfie. Hindi siya pwedeng
maging bride dahil she doesn't deserve it. Clarity deserve it eventhough she hurt the alpha.
Napalingon pa silang dalawa sa akin pero nilagpasan ko lang sila at dumiretso na ako sa labas ng
palasyo.
"Khústrím plórth pôrtàle."
Binuksan ko na ang mata ko at nakita ko ang portal na ginawa ko papuntang kabilang mundo. I smiled.
Kaya ko pa rin palang gumawa ng mga portal kahit nakalimutan ko na ang paggawa nito.
Pumasok na ako doon at naramdaman ko nalang na umikot ang sarili ko sa kalooban ng portal. Ibinuka
ko ang kamay ko at dinama ang hangin na dumadampi sa katawan ko.
Nagmulat ako ng paningin at nasa mundo na ako ng mga mortal. Nilibot ko ang paningin ko at
napagtantuan kong nasa eskinita ako. Sinuot ko ang jacket na dala ko at nilagay ang hood sa ulo ko.
Naglakad na ako habang pinagmamasdan ang mga lugar na dinaraanan ko.
Nasaan ba si Clarity sa mga oras na 'to?
I tss-ed. Naalala ko palang nagtatrabaho siya sa kumpanya ng mga Drekys. That Mark Drekys... Siya
ang kumuha ng Clorste tattoo ni Leewier kaya muntik ng mamatay ang Delta.
Well, Miguel Nyx Drekys? Tss. Isa siyang demonyo. Wala siyang pake sa ibang tao. Kung anong gusto Belongs to NôvelDrama.Org - All rights reserved.
niya, iyon ang masusunod dahil siya na ngayon ang alpha ng Vleryt Dynasty.
Tinignan ko ang mataas na gusali sa harapan ko. Ito na ang kumpanyang pagmamay-ari ng mga
Drekys. Nasa 11th floor si Clarity. Kailangan ko na siyang puntahan ngayon dahil kukulangin ako sa
oras.
_________
Clarity
"Celine, dalhan mo naman ako ng pagkain dito sa opisina ko."
[Alright bessy... Ipapadala ko nalang sa ibang mga tauhan ahh? May ginagawa kase ako.]
"Ayos lang... Sige. Bye."
Pinatay ko na ang tawag at tinitigan ang mga reports na kailangan ni Sir Mark. Buti nalang natapos ko
ito kagabi kahit problemado ako. Ewan. Nakita ko kase ang anklet course na bigay sa akin ni Tiya
Miling kaya sinuot ko iyon tapos bigla nalang akong naging hyper tapos nagawa ko ang reports ng
madalian.
Binilang ko pa ang mga reports dahil baka kulangin. Ayoko namang mapagalitan ano. Magwa-one year
palang ako dito next month tapos gagawa na agad ako ng katangahan?
Napalingon ako sa pintuan ng opisina ko ng may kumatok. Baka si Abigail lang, yung madalas kumuha
ng reports na pinapagawa ni sir Mark.
Tinuon ko nalang ulit ang atensiyon ko sa mga papeles at nagsalita, "Pasok Abi."
Ini-scan ko ang mga papeles at damn! Nasaan na yong isa?! Kumpleto naman 'to kagabi ahh? Naloko
na!
"Abi, balik ka nalang mamaya. May nawawala eh."
Napahawak ako sa noo ko. Jusko. Ilang oras pa ang gugulugin ko magawa lang 'yon? Mama ko
huhuhu!
"Clarity..."
"Abi mamaya na---"
Natigil ako sa pagsasalita dahil parang hindi naman iyon ang boses ni Abigail. Sino 'to? Nag-angat ako
ng ulo at nanlaki ang mata ko sa taong nakita ko, "K-kuya Kaleb?"
Lumapit siya sa akin at bigla nalang hinigit ang kamay ko kaya muntik na akong matumba, "Come with
me. I'll show to you the place where you belong."