CHAPTER 17: He Found Out
(Patty)
Malapit na ako sa labasan sa gilid ng auditorium ng biglang magkagulo. Huminto ako sa tangkang paglabas at nilingon ang mga taong nagkakagulo. Anong meron? Napabalik ako sa back stage. Ang mga babae na kasali sa contest na naroroon ay mga hindi mapalagay. Makikita sa kanilang mukha ang saya at kilig. Bakit? Ano bang nangyayare?Content protected by Nôv/el(D)rama.Org.
Nagulat na lang ako ng bigla akong dinumog nila kuya Renz, kuya Vince, kuya Niko at kuya James. Tuwang tuwa sila na makita ako roon. I was speechless for a second. "Ang daya mo naman Princess, bakit hindi mo kami sinabihan na sasali ka? Edi sana nagcheer kaming buong Zairin sa'yo." nakangusong sabi ni kuya James. Ang cute!
"Oo nga cutie pie. Nakakapagtampo ka." ganu'n din si kuya Niko, nag-pout. Para silang mga bata.
Gusto kong matawa sa mga itsura nila.
Pero teka! Paano nila nalaman gayong nakasuot ako ng mask? Kung nakilala nila ako ibig sabihin..... I'm doom! Pati si Prince?
Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko namumutla ako.
Nakita ko si Prince na nasa likuran lang nila kuya Renz at nakatingin sa'kin. Nginitian niya ako. Ngiting parang may ibang ibig sabihin. Shit! Kilala nga niya ako. Parang gusto kong tumakbo dahil sobrang hiya ang nararamdaman ko ngayon. Ibig sabihin alam na din niya na ako ang nakasama niya sa music room. Nakakahiya!
I immediately avoid his gaze. Pakiramdam ko kasi pulang pula na ang mukha ko dahil sa pinaghalo-halong pakiramdam. Buti na lang suot ko pa rin ang mask ko kung hindi kitang kita na nila na namumula ako. Mas doble kahihiyan yun.
Sabi ko na una pa lang hindi na maganda ang pakiramdam ko sa contest na ito. Paano ko pa haharapin si Prince niyan? Gayong alam na niyang ako ang babae sa music room. Isipin ko pa lang ang mga nangyare doon pinanginginigan na ako ng mga tuhod.
Nataranta ako ng makita na papalapit si Prince sa amin. Hindi ko alam kung hahayaan kung makalapit siya or ngayon pa lang tumakbo na ako paalis. My God! Kinakabahan ako, feeling ko para akong maiihi na matatae na ewan. Jusko! Sa huli hinintay ko na lang na makalapit siya sa amin at nagpretend na okay lang ako, este okay lang ang sistema ko na nanginginig na ngayon. Habang papalapit ng papalapit si Prince palakas naman ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko maiwasan na tumitig sa magaganda niyang mga mata na nakatitig din sa akin ngayon na makikita ang kakaibang saya roon habang marahan na naglalakad palapit sa amin.
Nagulat na lang ako ng umakbay sa akin si kuya Niko. Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Prince at sumeryoso ang mukha na kanina lang ay makikita ang mga ngiti at saya roon. Napadako ang mga mata nito sa braso ni kuya Niko na nakaakbay sa'kin, mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng mga noo nito. Pakiramdam ko tuloy para akong may ginawang kasalanan na hindi ko alam kung ano. Para tuloy gusto kong itulak si kuya Niko para mapalis ang braso niyang nakaakbay sa'kin. Pero bakit naman siya magagalit diba? Baka guni-guni ko lang.
"Ang galing talaga ni Cutie pie kanina." sabi ni kuya Niko na mas kinabig pa ako papalapit sa kanya na ngiting ngiti.
"Oo nga, kung alam lang namin na ikaw yun Princess nag-cheer na kami sa'yo." sabi ni kuya James na bahagyang ginulo ang buhok ko. "Ikaw talaga, pasaway ka." aniya pa. "Madaya yang si Pat-Pat." ani kuya Vince na ngumuso pa.
Nataranta ako at inalis bigla ang mask ko. "Naku, hindi ko naman talaga balak ilihim pero kasi---"
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nahinto ako ng bigla silang tumawa.
"Joke lang Pat-Pat. Alam namin may dahilan ka pero it's good to see you performed. Magaling katalagang kumanta." sabi ni kuya Vince na sinang-ayunan ng tatlo. Nahihiyang napakamot ako sa batok ko bigla. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganu'n kagaling pero naappreciate nila.
Napalunok ako ng ilang ulit ng tumigil si Prince sa mismong harapan namin ni kuya Niko na makikita ang parang galit na expression doon pero agad din naman nawala at sumeryoso habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa uniform na pants nito. Hindi tuloy ako mapakali. Unti-unti umusog ako ng bahagya palayo kay kuya Niko para maalis ang braso niya sa balikat ko ng hindi napapansin nito. Baka kasi sabihin naman ni kuya Niko ang arte ko. Sinadya ko naman ihulog ang mask ko para may dahilan ako na yumuko. Tinanggal naman nito ang braso at hinayaan akong kunin ang mask ko na nahulog.
"Can I talk to you Patty for a minute?....... In private."
Pakiramdam ko nawalan ako ng dugo dahil sa sinabi niya, ramdam kong namutla ako. Ito na ba yun? Kakausapin na ba ako ni Prince about sa nangyare sa music room. Shete! Para akong aatakihin sa puso.
"Ano ba yung sasabihin mo kay Cutie pie dude?" singit ni kuya Niko.
"Oo nga dude." sabat din ni kuya Vince at kuya Renz.
Sinamaan sila ng tingin ni Prince.
"I said, in private."
"Ito naman ang sungit. Nagbibiro lang kami." natatawang sagot naman ni kuya Niko.
Tsk lang ang isinagot ni Prince at wala ng ibang sinabi. Bakit bigla siyang nagsungit?
Halos atakihin ako sa puso ng bigla niya akong hawakan sa kanang braso ko at higitin ako kung saan. Lumabas kami ng auditorium at patuloy na nagpakad sa hallway. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante at naiilang ako kung pano sila bigla magbubulungan habang nakatingin sa amin ni Prince. I know sikat ang kasama ko at popular dito sa school higit sa mga babae kaya naman dapat hindi na ako magtaka. Kaso nakakailang pala kapag ganitong pinagtitinginan ka nila na para bang huhusgahan ka nila. Hinigit ko ng bahagya ang aking kamay pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang hawak ng hindi ako nililingon. Hindi ko mapigilan pero kinikilig ako dahil hawak hawak niya ang aking kamay ngayon, hindi ko maiwasan titigan iyon habang patuloy kaming naglalakad. Nasa unahan siya at ako nasa likod habang hila hila niya ako. Napangiti ko sa paraan ng paghawak niya sa kamay ko.
Ano kaya ang nangyayare kay Prince bakit bigla naging ganito siya sa'kin?
Patuloy lang kami sa paglalakad este patuloy lang niya akong hinihila sa kung saan. Saan ba niya ako balak dalhin? Unti-unti nagiging pamilyar ang dinadaanan namin.
Shit! Parang nahuhulaan ko na kung saan niya ako balak dalhin. Oh my god! Nakita ko ang matagal ko ng iniiwasan na lugar. Nahigit ko ang aking hininga ng buksan niya ang pinto ng music room at ipasok ako sa loob. Mabilis din niyang isinara ang pinto ng hindi niya binibitawan ang aking kamay. Isinandal niya ako ng marahan sa likod ng pinto. Narinig ko pa ang tunog ng paglock niya doon. Bumilis ng bumilis ang kabog ng dibdib ko. Shit!