CHAPTER 3: Panaginip
(Patty)
Kakapasok ko lang sa bahay naaamoy ko na agad ang niluluto ni Manang. Napangiti ako at agad na dumiretcho sa kusina. 'I knew it. Ang paborito ko.'
"Hello po Manang. I'm home," sigaw ko kasabay ng pagyakap sa kanya sa likod. Naramdaman kong nagulat ito sa ginawa ko.
"Aysusmaryosep kang bata ka. Aatakihin ako sa puso dahil sa ginagawa mo," nakahawak sa dibdib na turan nito habang ang isang kamay ay may hawak na sandok.
"Hindi na po kayo nasanay sa'kin Manang at wala kayong sakit sa puso kaya hindi kayo aatakihin," Natatawang sagot ko kasabay ng pagkalas ng yakap sa likod niya at pumunta sa tabi nito.
"Kuh! Ikaw talaga na bata ka. Gutom ka na ba? Umupo ka na doon sa harap ng lamesa at malapit na itong maluto," anito at muling hinalo ang niluluto.
Sumunod naman ako, umupo ako sa harap ng lamesa paharap sa kanya at nangalumbaba na pinanuod lang ito sa ginagawa.
"Bakit nga pala ang aga mong umuwi Iha? Wala pa ba kayong klase ngayon?" tanong nito na nasa niluluto pa rin ang atensyon.
"Wala pa po talaga kaming pasok kasi next week pa talaga ang start ng klase namin Manang, hinatid ko lang po yung mga kulang na papel ko sa University para totally enrolled na ako at saka nililibot ko muna 'yong buong campus para matandaan ko lahat para hindi na po ako maliligaw," nakangiting sagot ko sa kanya. 'Tapos may nagnakaw ng halik sa'kin.' Hindi ko maiwasan na mag-init ang mukha kapag naiisip iyon.
"Ahh! Ganoon ba, Iha," tumatangong sagot nito.
"Ano po ang niluluto niyo manang? At mukhang sobrang sarap. Nasa pinto pa lang ako kanina, naamoy ko na." tumayo akong muli at sinilip ang niluluto nito.
"Aba! Nambola pa. Ano pa? Syempre 'yong paborito mo," nakangiting sagot niya naman sa'kin.
"Ang mahiwagang..... sinigang," magkasabay naming turan at sabay din na nagtawanan.
Natakam ako bigla ng makita ang laman ng kaserola.
"Love mo talaga ako, Manang." paglalambing kong turan dito at niyakap ito mula sa likod.
"Sus, oo naman, ikaw pa ba?" anito habang nagpupunas ng mga kamay sa apron na nakatali sa beywang nito. "Oh siya maupo ka na d'yan ulit at ipaghahanda na kita. Alam ko gutom ka na," baling nito sa'kin na hinawakan ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya. Matapos akong kumalas sa yakap rito, hinawakan ako sa tigkabilang balikat at itinutulak papunta sa lamesa.
"Oo nga po, Manang gutom na ako. Lalo akong nagutom kasi alam ko masarap 'yan," Sagot ko na nakahawak pa sa bandang tiyan.
"Ikaw talagang bata ka nambola ka pa.
Heto at luto na ang paborito mong sinigang na manok with unli kangkong na gustong-gusto mo. Para makakain ka na baka mamaya mamayat ka!" Natatawang biro niya sa'kin. "Si Manang naman eh." napa-nguso ako at kunwaring nagtatampo.
"Binibiro lang kita, batang 'to nagtampo agad 'wag kang mag alala ikaw ang pinaka-cute na matakaw na nakita ko," sabi naman ni manang at pabirong kinurot ang pisngi ko. "Ayyiieee! Sige na nga hindi na ako nagtatampo, binola niyo pa ako Manang. Ako lang naman talaga ang lagi niyong nakikita dito," sagot ko na ikinatawa lang namin pareho.
Ganito lagi kami ni Manang Lucy nagbibiruan, close na close kasi kami sa isa't isa. Maliban sa Mommy at Daddy ko siya lang ang naging ka-close ko. Siya na kasi ang lagi kong kasama mula pa noong bata ako, kapag may importanteng lakad sila Mom and Dad. Siya na ang tumayong pangalawang nanay ko. Hindi naman ako nagtatampo kela Mom dahil kapag may free time naman sila sinusulit nila 'yon na kasama ako at nagbabonding kami.
Masyado kasi silang busy sa mga negosyo nila lalo na ngayon na bagong lipat kami dito sa Manila kaya bihira na kami magkasama-sama pero every dinner naman sabay-sabay pa rin kaming kumakain. Dad told me na ngayon lang sila magiging sobrang busy kasi kalilipat nga lang namin. Inaayos pa nila ang negosyo na katatayo lang nila.
Bago kami lumipat dito sa manila narinig ko sila Mom and Dad hindi ko naman sinasadya na makita sila na nagtatalo. I was just passing by na-curious lang ako dahil narinig kong pinagtatalunan nila is about moving here in manila. Hindi ko maintindihan kung bakit pinagtatalunan nila iyon dahil kung tutuusin mas okay nga iyon dahil mas magiging on hand sila sa mga business nila sa manila. Unang-una malapit na, hindi na nila kailangan bumyahe ng malayo para pumasok sa office araw araw, and pangalawa mas maraming time na ang magkakasama kami. Pero mas na-curious ako sa sinabi ni Mom kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili na pakinggan sila kahit alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba.
""Paano si Patty? Paano kung kunin siya satin? Hindi ko kakayanin 'yon."
"Hindi nila kukunin si Patty maniwala ka." Sagot naman ni Dad na niyakap si Mom upang pakalmahin ito.'
Dahil sa narinig, hindi ko alam pero may kaba akong naramdaman simula ng gabing iyon pero kahit isang beses hindi ako nagtanong sa kanila tungkol sa narinig ko. Sa kabilang banda napaka-swerte ko sa kanila kasi kahit hindi nila ako tunay na anak minahal nila ako na para na nilang tunay na anak. Hindi nila ipinaparamdam sa'kin na ampon lang ako dahil they're doing their best para iparamdam na mahal na mahal nila ako. Nagpapasalamat ako sa kanila kasi ganoon sila sa'kin at nagpapasalamat din ako syempre kay God kasi sila 'yong pangalawang mga magulang na ibinigay sa'kin. Wala akong maipintas sa mga ugali nila kasi pareho silang mabait at totoong mahal nila ako.
Galing ako sa Orphanage. Ang sabi ng mga sister sa akin 4 years old ako noong makita nila sa gate ng ampunan na walang malay. At 7 years old lang ako noong ampunin nila Mommy. Maliban kela Mom and Dad si Manang Lucy lang ang nakakaalam na ampon ako. Noong una ayoko sa kanila o kahit na sinong umaampon sa'kin dahil naiisip ko baka saktan lang nila ako or iwanan lang din tulad ng pag-iwan sa'kin ng tunay kung mga magulang. Kapag nagsawa na sila sa'kin o kapag hindi na nila ako gusto iwan din nila ako. Tunay ko ngang mga magulang nagawa 'yon sila pa kaya na hindi ko kadugo diba, pero dahil sa isang tao pumayag akong mag paampon at sumama sa kanila. Dahil sa isang pangako niya na magkikita pa rin kami ano man ang mangyare.
Nakakalungkot lang kasi late na yata masyado ang pangako niya sa'kin dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakita.
"Kamusta na kaya siya?"
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Sino, iha?"
Nagulat ako sa biglang tanong ni Manang Lucy. Natulala na naman ako, kaya hindi ko alam nakakapagsalita ako ng malakas akala ko sa isip ko lang 'yon.
"Wala po Manang. Huwag niyo pansinin ang sinabi ko."
Nagkibit-balikat lamang siya at hindi na nagsalita pa. Binilisan ko na agad kumain.
Matapos kumain nagpaalam na ako kay Manang na aakyat na ako sa kwarto sa taas para magpahinga muna. Hindi ko alam kung bakit inantok ako bigla. Nagpalit lang ako ng damit bago nahiga na sa kama. Pakiramdam ko napagod ako ng sobra sa araw na 'to.
Naalala ko ang lalake na nakasama ko sa music room. Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko. Nag-init na naman ang magkabilang pisngi ko dahil naalala ko na naman ang mga nangyare sa'min sa loob ng music room, lalo na ang halik. Ang unang halik ko.
"Arggg!"
Nagpagulong-gulong ako sa kama ko at nagtakip ng unan sa mukha.
"Peste! Kahit hindi ko nakita ang mukha niya kinikilig ako. Ang bango niya kasi."
Nahinto ako sa mga ginagawa ko at may naisip.
'Prince.'
"Siya nga kaya si Prince na hinahabol no'ng mga babae?"
Naalala ko ang nangyare sa'min kanina sa University at ang awkward na position namin sa likod ng pinto. Naramdaman ko na naman ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Nagsimula na naman mamula ang aking magkabilang pisngi. Unti- unting umangat ang kanang kamay ko papunta sa dibdib ko. Dinama ko iyon at ramdam na ramdam ang malakas na pintig doon.
Naipilig ko ang aking ulo sa itinatakbo ng isipan ko ngayon.
"Ano ba ang nangyayare sa'kin? Ang weird ko talaga ngayon."
Ilang minuto ang nakalipas bago ako nakatulog dahil hindi ko maalis sa isip ang lalake sa music room at ang halik na parang sirang plaka na paulit-ulit sa isip ko.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
""Shhh! Huwag ka maingay. Makikita tayo ng mga batang pasaway na 'yan."
Nagtatago kami dito sa gilid ng maliit na chapel sa loob ng orphanage. Hinahabol kasi ako ng mga bata na nambubully sa'kin.
"Huwag ka na umiyak. Gusto mo bang makita nila tayo? Sige ka iiyak din ako ng malakas dito! Tapos maririnig nila at makikita tayo."
Bigla huminto ang pagtulo ng mga luha ko at ang munting iisip ko'y napuno ng katanungan sa sinabi niya.
"Bakit ka naman iiyak kuya Gelo?"
"Kasi kapag nakakakita ako ng umiiyak, naiiyak na rin ako."
Huminto na ng tuluyan ang aking pag-iyak. Ayokong makita na iiyak si Kuya Gelo dahil sa'kin. Tinuyo ko ng tuluyan ang mukha ko gamit ang mga braso.
Nakisilip na ako tulad niya sa gilid nitong chapel.
"Patty huwag ka masyado lumabas baka makita nila tayo," hinigit niya ako ng bahagya at inakbayan para hindi ako matumba sa kakasilip.
"Nand'yan na sila." turan ko na nanlalaki ang mga mata.
"Shhh! Huwag kang maingay, makikita nila tayo," bulong niya sa'kin. Nagtaka ako kasi nag-iba ang boses niya parang boses ng isang binatang lalake. Nilingon ko siya pero hindi ko makita ang mukha niya.' 'Prince?'Content bel0ngs to Nôvel(D)r/a/ma.Org.
Nagising ako sa pakiramdaman na ang init ng buong mukha ko at mabilis na pagkabog ng dibdib.
"Ang weird naman. Bakit nasali siya sa panaginip ko kasama ni Gelo?" Mahinang nasabi ko habang hawak-hawak ang dibdib ko na sobrang bilis pa rin ng tibok.
"Pati ba naman sa panaginip nadala ko ang nangyare sa music room. At bakit ang init ng mukha ko?" Napasabunot na lang ako sa buhok at gumulong-gulong na naman sa kama. Naweweirduhan na ako sa sarili ko.
"Hindi naman na siguro kami magkikita sa University na iyon dahil sa sobrang dami ng estudyante do'n malabo na mangyare 'yon, tama hindi na kami ulit magkita," parang baliw na kumbinsi ko sa aking sarili. "Oo tama 'yon. Hindi rin naman niya nakita ang mukha ko." patango-tango pa na turan ko habang nagpupunas ng pawis. Nakabukas naman ang aircon sa kwarto ko, pero bakit parang ang init?
Nawala na ang pangamba ko dahil sa isipin na 'yon. Bumalik na ulit ako sa pagtulog dahil alas tres pa lang ng madaling araw for heaven shake.