In A Town We Both Call Home

Chapter 3



Chapter 3

Thirteen years ago…

“HOW… do I start to live again after this?”

Nagsikip ang dibdib ni Lea nang marinig ang basag na boses na iyon ng isa sa pinakamatalik niyang

kaibigan na si Jake. Dahan-dahang umangat ang kanyang mga kamay pahaplos sa gwapong mukha

nito. Marahan niyang tinuyo ang mga luha nito.

Naghahalo ang awa at pagmamahal niya para sa binata. Noon na lang niya ito muling nakitang

nagkaganoon. Ang una ay noong halos sabay na sumakabilang-buhay ang mga magulang noong

disisyete anyos ito. Isang sikat na broadcaster ang ama ni Jake na namatay noong nasa kalagitnaan

ng pagko-cover ng balita tungkol sa mga kaguluhan sa bahaging Mindanao. Natamaan ito ng ligaw na

bala. Nang malaman iyon ng ina ng binata ay inatake ito sa puso na siyang ikinamatay rin nito.

Simula noon ay si Jake at ang bunsong kapatid nito na si Leandra na lang ang naiwang magkasama

sa buhay. Nakabangon ang mga ito sa nangyaring trahedya dahil na rin sa pagtulong ng tito Raphael

ng mga ito, ang lalaki ang panganay na kapatid ng ama ng mga ito na nag-aasikaso rin sa family

business ng mga Calderon.

Kaedad lang ni Lea si Leandra, dalawang taon ang tanda sa kanila ni Jake. Halos sabay silang

ipinanganak ni Leandra sa iisang ospital at para bang nagpower-trip ang kanilang mga ama na halos

iisa rin ang ibinigay na mga pangalan sa kanila. Palibhasa ay wala daw paglagyan ng tuwa ang mga ito

nang malaman na natupad na ang kagustuhang magkaroon ng anak na babae.

Ang magkapatid ang nagsilbing pinakamatatalik niyang kaibigan. Hindi pa man ipinapanganak si Lea

ay family driver na ang kanyang ama ng mga Calderon, ang pamilya ni Jake. Ang ama niya ang

nagkataon ring matalik na kaibigan ni Ninong Alejandro, ang ama ni Jake, kaya hindi na nakapagtataka

kung bakit mga bata pa lang sila nina Jake at Leandra ay malapit na sila sa isa’t isa.

Si Jake ang nagsilbing protector nila ni Leandra na kaklase niya na mula pa kindergarten. Sa tuwing

may mga nambu-bully sa kanila sa paaralan ay to the rescue parati ang binata para sa kanila.

Pinalad si Lea na makapasok sa private school na pinapasukan ng magkapatid dahil na rin sa

pamimilit ng Ninong Alejandro niya. Ito ang sumagot ng tuition fee niya sa kabila ng pagtanggi ng

kanyang ama sa umpisa. Mahabang paliwanagan pa ang nangyari bago napapayag ang huli dahil

sadyang ma-pride ang kanyang ama. Naglatag pa muna ito ng kondisyon na nagsasabing sa oras na

makapagtrabaho na siya ay babayaran niya lahat sa Ninong Alejandro niya ang mga ginastos nito para Content is © 2024 NôvelDrama.Org.

sa pag-aaral niya. Nang namatay ang huli ay ang butihing si tito Raphael ang nagpatuloy sa

pagpapaaral sa kanya.

Mayaman ang mga Calderon. May travel agency na pag-aari ang pamilya ng ama ni Jake pero pinili pa

rin nitong umiba ng linya at maging broadcaster dahil iyon raw ang hilig nito. Ang ina naman ng mga ito

ay isang matagumpay na chef.

Matulungin ang pamilya Calderon. Parating bukas ang tahanan ng mga ito para sa lahat gaya ng

ginawa ng mga ito sa kanyang pamilya. Kaya kahit si Lea ay nasaktan sa pagkamatay ng mag-asawa.

At ngayon… panibagong miyembro na naman sa pamilya ng mga ito ang nalagas.

Si Leandra.

Magkaiba sila ng kinuhang course ni Leandra sa kolehiyo. Architecture ang sa kanya habang Hotel and

Restaurant Management naman ang kinuha nito. Hindi na sila parating magkasama dahil nag-iba na

ang schedule nila pero hindi iyon nakabawas sa tatag ng samahan nila. Isang araw ay nagpaalam si

Leandra na mag a-out of town kasama ng ilang mga kaklase. Niyaya siya nitong sumama pero hindi

niya napagbigyan dahil naging busy siya sa paggawa ng thesis lalo pa at graduating na sila. Hindi rin

ito nasamahan ni Jake dahil abala rin ang binata sa pagtatrabaho.

Gaya ng ama ni Jake ay hindi rin nagtrabaho ang binata sa travel agency ng mga ito. Noon pa man ay

pangarap na nito ang maging hotelier kaya naging subsob ito sa pagtatrabaho para makuha ang gusto.

Maayos ang lahat hanggang sa gulatin sila ng balita na nalunod umano si Leandra nang mag-out of

town. Nagkakasiyahan noon ang mga kaklase nito at halos lahat sa mga ito ay may tama na ng alak,

kabilang roon si Leandra na nagpumilit pa rin daw mag-swimming isang hatinggabi. Huli na nang

masagip ito ng mga kasamahan.

“Lahat na lang ng mga mahal ko sa buhay, nawawala sa akin. Lea, may sumpa ba ako? Masama ba

akong tao?” Jake’s voice broke. “Bakit ganito? Bakit parang ang damot naman ng Diyos sa ‘kin? Si

Leandra na lang ang mero’n ako. Bakit pati siya, kinuha? Bakit lahat na lang… kinukuha Niya?”

Doble ang balik kay Lea ng sakit. Nag-iisang anak siya kaya si Leandra na ang simula’t sapul ay

itinuturing niyang kapatid. Samantalang espesyal na ang nararamdaman niya kay Jake noon pa man.

Dahil highschool pa lang siya ay lihim niya nang minamahal ang binata.

“Jake, hindi totoo ‘yan.” Agad na sinabi ni Lea sa binata kahit hinang-hina na rin ang pakiramdam niya.

“We both love Leandra but I guess, God loved her more that’s why He had to take her away. She was

probably too beautiful for the Earth that she had to be in a place that would match her beauty.”

Pinatatag ni Lea ang boses kasabay ng marahang pagngiti. “Hindi Niya kinuha ang lahat sa ’yo.

Nandyan pa ang tito Raphael mo, ang ibang mga kaibigan mo. At… nandito rin ako. Hindi kita iiwan.”

Nang hindi niya na mapigilan ang sarili ay niyakap niya ito.

Gumanti nang mas mahigpit na yakap ang binata. “Hindi man lang ako nakabawi sa kapatid ko, Lea. I

was so busy with work. Hindi ko natupad ang pangako ko sa puntod ng mga magulang namin na

iingatan ko siya. Wala ako sa tabi niya nang kinailangan niya ako.” Gumaralgal ang boses ni Jake.

“And I will carry this guilt with me for as long as I live. Wala akong kwentang kapatid. I’m a mess.

Dapay ay sumama ako sa kanya noon. I should have been by her side that night. Dapat ay nasagip ko

siya-”

“No,” Bahagyang lumayo si Lea kay Jake. Pinakatitigan niya ang mukha nito. “Listen to me. Hindi ka

dapat mabuhay na ganyan. Leandra wouldn’t like that.” Napahugot siya ng malalim na hininga nang

makita ang pagpatak ng luha ng binata. “God… Jake. Tell me what I can do to help you feel better.”

“Be Leandra.” Halos pabulong na sagot ni Jake matapos ang ilang minuto. “Be my sister.”

Parang may kung anong sumabog sa pandinig ni Lea. “W-what did you… s-say?”

“Just for the time being. Until I can get over this guilt.” Nakikiusap na dagdag pa ni Jake. “Sa

pamamagitan mo ako babawi, Lea. Please. This is the only way I know I can redeem myself, to make

myself believe that I’m really not alone.”

Isa iyong kahilingan ng lalaking nagluluksa, ng lalaking nawalan nang husto. Sino siya para hindi iyon

pagbigyan? Ilang sandaling natahimik si Lea bago siya dahan-dahang tumango, isang bagay na alam

niyang malaki ang posibilidad na pagsisihan niya balang araw.

Pero bahala na. Nang mga oras na iyon ay nakahanda siyang gawin ang lahat humupa lang kahit

paano ang nararamdaman ng lalaking pinakamamahal.

Wala nang makikita kahit na kaunting bakas ng dating punong-puno ng buhay na Jake Calderon. He

looked so broken. But amid the shattered pieces of his self, he still can make her heart flutter when he

finally smiled. Iyon ang kauna-unahang pagngiti ng binata matapos ang mahigit tatlong buwan mula

nang ilibing si Leandra. She knew that instant that she made the right choice.

Pinisil nito ang isang palad niya. “Thank you, Leandra.”

Parang tinusok ng libong aspile ang puso ni Lea sa narinig. Simula na nang pagpapanggap. Sa

nangyari ay mas lumabo ang pag-asa niya sa binata. Pero sa kabila niyon ay gumanti siya ng pisil sa

palad nito. “You know I’d do anything for you, Jake. You’re welcome.”

“’Wag mo akong iiwan, Leandra.”

“I promise.”

“HAPPY BIRTHDAY, Leandra.”

Napahugot ng malalim na hininga si Lea matapos buksan ang regalong ibinigay sa kanya ni Jake. It

was a white gold necklace with her name on it. Mali, hindi niya pala pangalan iyon kundi pangalan ng

kapatid ni Jake. Pinagmasdan niya ang masayang anyo ng binata nang kunin nito sa kanya ang

kwintas at ito pa mismo ang marahang nagsuot niyon sa kanyang leeg.

Ang sandaling ipinangako noon ni Jake na pagpapanggap niya ay umabot na ng ilang buwan

hanggang sa maging ilang taon na iyon. Si Lea na ang kinikilala nitong kapatid. May mga pagkakataon

pa nga na ang inireregalo nito sa kanya ay iyon mismong mga bagay na paborito ni Leandra. Branded

ang mga iyon mula sa mga damit, sandals, at bags.

Pero malayo ang mga iyon sa gusto ni Lea. Simpleng babae lang naman siya na masaya na sa

pagsusuot ng t-shirt, pantalon, at rubber shoes. Hindi nga lang iyon mare-realize pa ni Jake sa ngayon.

Kaya hirap na hirap na siya.

Hindi na siya nakaalis pa sa anino ni Leandra. At hindi niya na alam kung paano pa makakaalis roon.

Dahil ang kapatid na ng binata ang mismong nakikita nito sa kanya. Tatlong taon na ang matuling

lumipas… pero heto pa rin silang dalawa. Walang nagbago. Mga bilanggo pa rin. Si Jake sa alaala ng

nakaraan at siya sa ipinangako niya rito. Napahugot siya ng malalim na hininga nang hawakan ang

kwintas.

“What? You didn’t like it?”

“I love it, Jake.” Mabilis na sagot ni Lea. Dahil totoo namang nagustuhan niya ang kwintas. Hindi nga

lang niya naitodo ang kaligayahan niya dahil alam niyang hindi talaga para sa kanya iyon. Ang

pangalang naka-engrave roon ang nagsusumigaw na katibayan. “Thank you.”

Nang makita ni Lea ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Jake, kahit paano ay gumaan ang loob niya.

His blue eyes were shining. At para doon, para man lang doon ay magpapaubaya siya uli. Gusto

niyang paniwalaan na totoong natulungan niya ang binata. Mas madalas na ang pagngiti nito ngayon.

Pero sa kabila niyon ay nag-aalinlangan siya. Natatakot siyang aminin na baka tama ang obserbasyon

ng mga magulang niya. Na hindi pa totoong nakakabangon ang binata sa nangyari noon base sa

patuloy na set-up nila.

O baka sadyang masyado lang nasanay si Jake na kapatid na ang turing sa kanya. Namasa ang mga

mata ni Lea sa naisip. Ikinulong niya ang mukha ng binata sa kanyang mga palad. Hindi naglaho ang

nararamdaman niya para rito sa nakalipas na mga taon. Sa halip ay lalo pang lumago iyon. Nanatiling

buhay na buhay ang damdaming iyon sa puso niya, damdamin na dito niya lang nararamdaman.

Isa na siyang arkitekto ngayon. Pinalad siyang manguna sa board exam kaya nagawa niyang

makapasok kaagad sa isang kilalang architectural firm sa bansa. Nang makaipon ay pinilit niyang

bayaran si Jake at si tito Raphael para sa mga ginastos ng mga ito sa pag-aaral niya. Dahil kahit wala

na ang ninong Alejandro niya ay ang mga ito ang nagpatuloy sa pagsuporta sa kanya. Pero hindi

nagpabayad ang mga ito. Lalo na si Jake. All he asked was just for her to stay by his side. Isa na rin

iyon sa dahilan kung bakit lalo siyang naiipit. Dahil sa panibagong pangako niyang mananatili sa tabi

nito.

Puro na lang pangako. Kaya hayun at baon na baon na siya.

Jake was now able to build his own hotel. Pareho silang marami nang mga nakilala. Lalo na ang binata

na ilang beses nang nagkaroon ng girl friend na dahilan kung bakit ilang beses na rin siyang lihim na

nasasaktan. She was always on the sideline. At mahirap iyon. Masakit. Pero dahil sa sobrang

pagmamahal niya rito ay pinili niyang manatili sa bahaging iyon ng buhay nito. Kaunti na lang ay

natutukso na rin siyang patayuan ng rebulto ang sarili. Hindi niya ni minsan inakala na kaya niyang

maging martir sa ngalan ng pagmamahal.

Hindi niya na alam kung ano ang gagawin. Ang sabi nila, ang pagmamahal daw ay nagpapalaya. Pero

siya, ni minsan ay hindi nakaramdam ng paglaya. Madalas ay nalilimutan niya na kung sino siya.

Masyado na siyang nasanay na maging si Leandra na nalilimutan niya nang mabuhay bilang si Lea.

At natatakot siya. Dahil sa pagmamahal niya para sa binata ay para bang hindi niya na kilala ang sarili.

“I love you, Jake.” Halos pabulong na sinabi ni Lea mayamaya.

“And I love you, too, Leandra. Always.”

Mariing naipikit ni Lea ang mga mata nang yakapin siya ng binata. Tuluyan nang bumagsak ang

kanyang mga luha.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.