Chapter 19
Chapter 19
Anikka
Kasalukuyan kong tinatanggal yung mga bandage sa paa ko. Buti naman at kahit papaano magaling
na ng mga sugat na ito. Kagagawan ito ng hinayupak na yun.
Flashback
"Ayoko!" Tapos tinalikuran niya ako.
"Ayaw mo ah!" Tapos umalis siya. Di magwalkout siya wala akong paki! as in wala!
(engine starts)
humarap ako. Pusha iiwan ko?! Hay nako hindi niloloko lang ako nito. Tapos tinalikuran ko siya.
"Hoy wait lang huwag mo kong iwan." Sigaw ko sabay habol sa kotse niya. Pusha! Akala ko nagbibiro
siya. Hinayupak talaga siya! Hinayupak! Iwan ako dito? I don't have anything just my self and my
clothes. Pusha! Paano ako nito!
Di rin naman niya ako matitiis! Maghihintay na lang ako dito. Alam kong di niya ako pwedeng iwan.
Lagot siya kay Lolo.
after 1 hour.....
mukhang tanga pa rin akong nakaupo dito at nakatingin sa daan palabas ng lugar na ito at
nagbabakasakaling may ferrari na bumalik dito.Halos mamuti na ang mga mata ko sa kakahintay, pero
wala pa rin ni anino niya.
end of flashback
Hinding hindi ko makakalimutan yung pag-iwan niya sa akin dahil doom milya na yata yung nilakad ko
palabas nun, para makahanap ng sakayan kaya sugat sugat ang paa ko nun. Nakakainis siya. He gave
me a reason para di siya pakasalan.
Hinding hindi ko siya pakakasalan!
Pero mawawala pala yung ari-arian .namin. Mama will be frustrated im case.
Hmmm. sabi sa contract if they both dont agree, so dapat..
"Senyorita, kakain na po kayo." Hay naku si Manang Biday, iniistorbo ang pagmomoment ko dito. Pero
kahit gusto ko pang mag isip ng plano tungkol sa pagpigil sa kasal namin ng hinayupak na iyon. Mas
mabuti sumabay na lang ako sa kanila. Ayaw kasi ni Lolo na hindi sabay sabay,magtatampo yun sa
kin. Pero maganda na rin na kumain ako para may energy akong mag-isip!
Agad akong lumabas ng kwarto ko at bumaba papunta sa dining area.
"Labis na kong nasasabik.Malapit ng ikasal ang apo ko!"
Pusha naman oh! Pinag uusapan nila ang kasal naman. Tsk! nakakawalang ganang kumain.
Hay nako Anikka, kailangan mong kumain para magkaroon ka ng lakas para mag isip kung paano
pigilan ang kasal niyo ng hinayupak na yun.
Mag isip ka Anikka! Isip!
Isip......
Isip.....
Isip.....
Aha! I will use pamahiin. Yeah yun lang ang naisip ko eh kapag nilabag ko yun may tendency na baka
di matuloy ang kasal! But pamahiins are not proven to be true sa mga matatanda lang yun. Pero wala
rin namang masama if I try to make labag on those superstitions, wala naman mawawala.
Nang isusubo ko na yung pagkain ko, dun ko pa lang napagtanto na natapos na silang kumain,
napalalim yata yung isip ko kaya di ko namalayan. Tapos ito pa ni di ko pa halos nakalahati ang
pagkain ko.
Oh my gosh! This is so perfect! Umaayon talaga ang tadhana sa akin.
"Manang Biday pakiligpit na po yung pinagkainan para po malinisan niyo na po ito. Isusunod ko na
lang itong plate ko." nakangiti kong sabi.
"Hija, di mo ba alam na masama yang ginagawa mo."
"Manang diba gusto niyong natatapos agad ang trabaho niyo? Kaya iyan pa pinapauna ko na po yan.
Sabay abot ko nung isang plato.
"Hay nako ikaw na bata ka!" Tapos niligpit din niya yung mga pinagkainan nila mama. Nagreklamo pa
susundin din naman ako. This text is © NôvelDrama/.Org.
Pero atleast may nalabag na ko wahahaha.
happy! happy!
Lukas
"hahaha! Bro, you're unbelievable! Nerd lang pala ang katapat mo?" Kanina pa nila ako
pinagtatawanan. A billionare, famous engineer and handsome at pinapangarap ng mga kababaihan
diyan walang epekto sa isang Anikka Fuentes? That thing really affects my ego. But hell no! That is
impossible I know Anikka wants me. Why did she kissing me back? Ayaw lang niyang aminin sa sarili
niya na she's falling for me.
"Alam kong gusto niya ko, but damn! She's not a nerd." If you could only see how beautiful she is. No!
Anikka's beauty is only for my eyes only, baka agawan nila ako. Why I am being so possessive? Arghh!
I just rolled my eyes as sense of my digust of what I am thinking.
" Talaga? Laging daig pa niya lola ko kung manamit. Yun na pala ang tipo mo Lukas."
"Fuck you!"
"Hahaha." Then they have high five to each other, because they are having fun of bullying me. It is not
funny not really funny.
1 message received
Fr: Hernan Aragon
I put only my Lolo's name just because it is so gay if I put Lolo in there. Hindi porket na Hernan Aragon
nilagay ko ay wala na kong respeto. I still respect him for raising me.
Go to Ms. Faye's office para makita niyo na yung damit niyo sa kasal.
Agad akong napahilot sa sentido ko, malapit na matapos ang maliligayang araw ko. I should be happy
because I can make Anikka mine whenever I want, but mas gusto ko pa yung buhay ko as being
single, as being womanizer.Bakit? dahil hindi pa ko handa sa mga responsibilidad sa pag aasawa. I still
have commitment problems as being playboy will be always be a playboy. Nothing will change alam
kong magsasawa rin ako sa kanya.
Anikka.