The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan

Chapter 5



Chapter 5

NAGLABAS ng panyo si Ansel mula sa bulsa ng kanyang pantalon at inabot ang kamay ng

nasorpresang si Yalena. Pinunasan niya ang kamay nitong hawak kani-kanina lang ng bodyguard nito.

Muli niyang ibinulsa ang kanyang panyo pagkatapos ay hinawakan ang palad ng dalaga.

Unti-unting naramdaman ni Ansel ang pagluwag ng kanyang hininga. Higit pa sa simpleng paghawak

sa kanyang kamay ang handang ibigay ng mga babaeng iniwan niya sa bar pero nanatiling wala

siyang maramdaman. Nanatili siyang may hinahanap na kung ano at natagpuan niya iyon sa

presensiya ni Yalena. It surprised him to be able to find solace by just holding her hand.

Nang hindi niya na mapigilan ang sarili ay umangat ang isang braso niya at niyakap ang dalaga.

“Please just let me hold you,” nakikiusap na bulong niya nang magsimulang magpumiglas ang dalaga.

Damn, hindi niya pa iyon nagawa noon. Hindi pa siya nakiusap para lang sa ganoon kaliit na pabor.

“Saka kumpara sa iba, naniniwala akong mas masarap akong kayakap.”

“Ano ba’ng nangyayari sa `yo—”

“Seryoso ako, Attorney. Nakahanda akong maging bodyguard mo. Mayaman ako kaya hindi mo na ako

kailangang suwelduhan pa. Just… let me see you, let me hold your hand, and let me embrace you like

this,” sa halip ay sagot ni Ansel. “May dalawa pa palang kondisyon. “Don’t smile to someone else.

Don’t hold someone else. Gano’n lang kadali, Attorney. At handa na akong magpaalipin sa `yo.”

Naglaro sa isipan ni Ansel ang nasaksihang tagpo sa pagitan nina Yalena at ng bodyguard nito pati na

ang pagngiti ng dalaga sa huli. It was such a warm and lovely smile. Mariin niyang naipikit ang kanyang

mga mata. Ano na ba ang nagawa ng lalaking iyon para makatanggap ng ganoong uri ng atensiyon

mula sa babaeng dragon? He couldn’t believe he was jealous. At hindi niya alam kung paano

pakikibagayan ang bagong emosyon na nararamdaman.

“Magaling magluto si Dennis. Kaya mo rin bang gawin ‘yon, Mr. McClennan?”

Marahas siyang napabuga ng hangin. “How is it possible that you just call him Dennis and I’m still Mr.

McClennan to you until now?”

“Hindi ka raw marunong magluto. Nabanggit ‘yon ni Austin noong araw na samahan nila ako ni Maggy

na maglipat,” sa halip ay sinabi ng dalaga.

Damn it, brother. Bad shot na nga ako kay dragon, siniraan mo pa ako. “Come on. Sinungaling ang

sinuman na magsasabing hindi ako marunong magluto. They obviously haven’t tasted my fried egg yet.

It’s delightful.”

Narinig ni Ansel ang pagsinghap ng dalaga. Laking pasasalamat niya na hindi na ito muli pang

nagtangkang kumawala mula sa yakap niya. Mayamaya ay narinig niya ang pagtawa nito. And man, it

sounded heavenly.

“Your fried egg? That’s all you can serve?”

Pilyong ngumiti si Ansel. Bahagya siyang humiwalay sa dalaga at pinakatitigan ang magandang mukha

nito. “No. Actually, there are two kinds of special eggs than I can serve you. There’s this one that I can

cook delectably and then there’s this other one…” Nagkibit-balikat siya. “That I can’t. Nevertheless, the

taste will be the same, I guarantee.”

Natulala ang dalaga. Nang makabawi ay mabilis siya nitong tinampal sa dibdib bago ito tuluyang

lumayo sa kanya. “Jerk!”

Sa liwanag na nagmumula sa headlights ng kanyang kotse ay kitang-kita niya ang pamumula ng mga

pisngi ni Yalena. Parang may mainit na mga kamay na humaplos sa kanyang puso. So, the dragon can

blush.

Papasok na sana ito sa gate ng bahay nito nang muli niyang tawagin.

“Attorney!” Humabol si Ansel sa dalaga. Salubong ang mga kilay na humarap ito sa kanya. Automatic

na napangiti siya. Sadyang napakaganda pa rin nito sa kabila ng hindi maipintang anyo. “The past

days drove me crazy. Kaya ngayong gabi, aamin na ako. You got me… from the very moment I saw

you back at the office. Gusto kita at seryoso ako. I want that bodyguard of yours out of your life. I’m

going to find you a female one tomorrow.”

“Mr. McClennan—”

“Liligawan kita, Attorney.” Nang matigilan ang dalaga ay sinamantala iyon ni Ansel. Marahang hinaplos

niya ang mga pisngi nito at mayamaya ay inabot ang mga labi nito. Pero ilang segundo lang tumagal

iyon. Nag-alangan siyang pahabain ang halik dahil natatakot siyang itulak siya ni Yalena palayo pero

higit pa roon ay natatakot din siya… na baka hindi niya magawang makuntento sa isang halik lang.

Nanghihinayang na idinikit ni Ansel ang noo sa noo ni Yalena. “I will be here first thing tomorrow

morning. Ipagluluto kita. I will serve you the greatest breakfast of all time. Fried eggs, hot dogs…”

“Enough—”

Naaaliw na natawa si Ansel. Sa kabila ng lahat ay magaan ang pakiramdam niya kahit pa walang tigil

sa mabilis na pagtibok ang kanyang puso. “Bacon and friend rice with hot coffee,” patuloy niya. “Come

on, those are what everyone serve in breakfast! What dirty thoughts are you thinking?”

“T-TEKA, sandali. There must be something wrong with my ears.” Bahagyang niluwagan ni Ansel ang

pagkakabuhol ng kanyang kurbata. Pero nang manatiling parang sinasakal pa rin ang pakiramdam

niya ay tuluyang inalis niya na iyon at ibinato sa papatakas na sanang si Alano. Nasa conference room

silang magkakapatid para sa kanilang monthly meeting nang bigla na lang tumawag si Yalena na gaya

nang dati ay parang nagwawalang dragon dahil sa pagpapadala niya kay Lexy, ang gusto niyang

maging bodyguard nito na isang babae rin.

Ibinigay niya sa dalaga ang kanyang contact number apat na araw na ang nakararaan kasabay ng

paghahanda niya ng almusal nito. Napu-frustrate na napasandal si Ansel sa kanyang swivel chair.

Napalingon siya sa mga kapatid na abala na rin nang mga sandaling iyon. Si Alano ay naka-videocall

pa sa cell phone nito habang kausap si Clarice na parang kay tagal na hindi nagkita ang mga ito

habang si Austin naman ay narinig niyang kausap din ang asawa. Parehong mga nakangiti ang dalawa Text property © Nôvel(D)ra/ma.Org.

na kung tawagin niya noon ay mga under.

Tatlo na lang silang nagmi-meeting dahil noong nakaraang buwan matapos ang napakahabang

panahon na pangungumbinsi kay Alejandro ay nabili niya rin sa wakas ang twelve percent shares nito

sa kanilang kompanya para mapunta na sa kanilang magkakapatid ang buong kontrol doon.

Pinaghatian nila ang pamumuno sa McClennan Power, Oil, and Mining Corporation. Siya sa electricity,

sa minahan si Austin, habang sa langis naman si Alano. Humigit-kumulang dalawang oras ang

itinatagal ng kanilang meeting. Doon na nila pinag-uusapan pati na ang iba nilang negosyo na

ipinamana rin ng kanilang ama tulad ng construction company ng pamilya at ang resort nila sa

Valenzuela. Ginagawa nila iyon matapos ang kanilang eight-to-five na pagtatrabaho kaya mag-aalas-

siyete na sila kadalasan nakalalabas ng opisina.

Dati-rati ay dalawang beses kada isang buwan pa sila kung mag-meeting tungkol sa mga hinahawakan

nila pero naging isang beses na lang iyon na parehong hiniling ng dalawang kapatid niya simula nang

mag-asawa ang mga ito. That was how devoted the two fools had become. Parang takot na takot ang

mga itong mapaghintay ang asawa nang kahit na sandaling oras lang.

“Mr. McClennan, are you still there?”

“Of course.” Napatikhim si Ansel kasabay ng sandaling paglayo niya sa kanyang tainga sa cell phone.

Hinaplos-haplos niya ang kanyang tainga na ilang minuto nang nagpapanting sa paulit-ulit na

pagtawag ni Yalena sa kanyang apelyido. Ayon dito ay papayag lang itong paalisin si Dennis at

tanggapin si Lexy kung susunod siya sa mga kondisyong ihahain nito. “Ano nga uli ang mga sinabi

mong kailangan kong gawin?” aniya nang muling ibalik sa kanyang tainga ang cell phone.

“You. Are. Going. To. Clean. My. House. Every. Weekend.”

Muli ay ginamitan na naman siya ng dalaga ng ganoong tono na parang nakikipag-usap ito sa isang

toddler. Napasulyap siya kay Austin nang marinig ang pagtawa nito habang nananatiling may kausap

sa cell phone. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng inggit sa kapatid. Why can’t he

have that kind of conversation with his dragon?

“You will also do the gardening weekly. Every Sunday pala ang magiging day-off ni Lexy kung papayag

ka sa gusto ko.”

“What?” Napamaang si Ansel. “Pero sino ang magbabantay sa `yo tuwing Linggo kung—”

“Eh, di ikaw,” parang napakasimple lang na sagot ni Yalena. “Hindi ako marunong magluto. Lexy

couldn’t cook as well. Kaya tuwing umaga, required kang pumunta rito para magluto. Ayoko ng pagkain

mula sa kung saan. Gusto ko lutong-bahay. And please, practice making coffee. The one that you

made for me four days ago was too sweet. Ayokong magka-diabetes.”

Naihilamos ni Ansel ang palad sa kanyang mukha sa mga narinig. Parati na lang parang sinusubukan

ni Yalena ang kanyang pasensiya. Kahit na ang kanyang mga magulang ay hindi pa nag-demand sa

kanya nang ganoon. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang pumasok sa isang relasyon. Ayaw

niyang maobliga. Ayaw niyang magpatali at magpasakop sa sinoman. Ayaw niya nang nilalatagan siya

ng mga kondisyon.

He was used to be the one providing the rules.

“Bakit ka natahimik? Ayaw mo na ba? You can always say no, Mr. McClennan. I’m an old-fashioned

woman, you see. I still wanted to be courted the traditional way. Bukod pa ro’n ay ito rin ang mabisang

paraan para mapatunayan ko kung seryoso sa akin ang isang lalaki o nakikipaglaro lang.” Sandaling

natahimik ang dalaga sa kabilang linya. “So… seryoso ka ba talaga sa panliligaw sa ‘kin? Dahil kung

hindi, okay lang. Kaaalis lang ni Dennis but I can always call him.”

“You talk too much. May sinabi ba akong hindi ko gagawin?”

Damn, just the thought of Dennis made him sick. Noong nakaraang araw lang ay nahuli niya pa ang

lalaki na nakikipagbiruan kay Yalena. Parang napakalapit na kaagad ng dalawa sa isa’t isa. Bukod pa

roon ay ang lalaki ang kasama ni Yalena beinte-kuwatro oras anim na beses sa isang linggo at

nababagabag siya. Wala siyang tiwala sa karakas ng lalaking iyon. Naiinis siya rito. Pero ang inis na

iyon, kung magpapakatotoo lang siya sa kanyang sarili, ay nag-ugat sa pagiging malapit nito kay

Yalena.

Napapangiti at napapatawa ni Dennis ang dragon, isang bagay na hindi magawa-gawa ni Ansel.

Komportable sa bodyguard nito ang dalaga. At gusto niya nang matigil iyon. Para siyang

binabangungot tuwing nakikitang magkasama ang dalawa.

“Kailan ba ako maglilinis? Ano ba ang mga iluluto ko? Maggo-grocery na ba ako?”

Hindi nakaligtas kay Ansel ang halos sabay pang pagsinghap ng mga kapatid. Naramdaman niya rin

ang pagtitig ng mga ito sa kanya. Hell!

“Just be here before eight, Ansel. We’ll talk,” anang dalaga at naglaho na ito sa kabilang linya.

Sandali niyang nahigit ang hininga. It felt wonderful to finally hear his name straight from her lips.

Matamis siyang napangiti na mabilis ding naglaho nang mapasulyap siya sa kanyang wristwatch. Alas-

singko beinte na. Kung hindi pa siya aalis sa opisina kaagad ay siguradong hindi na siya aabot sa oras.

Pero pwede naman siyang ma-late. Tutal naman ay may rason siya. May importante siyang meeting

nang hapon na iyon. Bukod doon ay sino ba si Yalena para patuloy na magmando sa kanya? Pwede

namang hindi na lang siya pumunta. Hindi siya alagad nito. Marami pa namang ibang babae.

Pero mayamaya lang ay muling umalingawngaw sa kanyang pandinig ang pagtawag ni Yalena sa

wakas sa kanyang pangalan. Naalala niya rin ang masarap na pakiramdam na hatid niyon. Muli siyang

napasulyap sa kanyang relo. Marami ngang babae pero si Yalena lang ang gusto niyang makita,

makausap, marinig, mahawakan, at mahalikan.

Parang parati itong naghihintay na sumablay siya. At nasisiguro ni Ansel na isang sablay niya ay hindi

na siya bibigyan pa nito ng pagkakataon. That was how harsh Yalena was to him.

“Nag-breakdown ang oil-fired thermal plant natin sa Bataan,” sinabi na lang ni Ansel sa mga kapatid na

parehong nakatutok na lang sa kanya ngayon ang atensiyon. “Alano, you have to check on that first

thing tomorrow. Kailangan din ng magsu-supervise sa construction ng hydro power station natin sa

Laguna.” Sumunod na sinulyapan niya ang bunsong kapatid. “I want you to supervise that, Austin.”

“What?” Napatayo si Alano. “Pero sa `yo nakatoka ang powerplants—”

“Do you still remember when you and Austin needed my help? As a loving brother, I backed you both

up so many times. Nang magbakasyon kayo ng isang buwan ni Clarice sa ibang bansa at nang ikasal

kayo, sino ang sumalo sa trabaho mo? Ikaw, Austin,” nilingon ni Ansel ang bunsong kapatid. “Nang

sunduin mo sa Nevada si Maggy, who shouldered all the messy work here? Me. Just me. I’ve been

working my ass off in this company for the past few years. Ngayon lang ako humingi ng pabor, ganyan

pa ang mga reaction n’yo?”

Sumusukong itinaas ni Alano ang mga kamay. “Fine. I’ll be in Bataan after I finish my lunch meeting

tomorrow.”

“Ako na rin ang bahala sa construction ng hydro power station hindi lang sa Laguna kundi sa

Zambales,” ani Austin. “Mahirap na, baka isumbat mo pa lahat at lalo kaming ma-late ni Kuya Alano sa

pag-uwi.” Natawa ito. “Sige, Kuya Ansel. Umalis ka na. Maglilinis ka pa kina Yalena, `di ba? Saka

maggu-grocery ka pa.”

Bumagsak ang mga balikat ni Ansel. “That dragon brat! I’ve been called shark, villain, ruthless bastard

and other names. But for her I’m just a fish.” Napalunok siya. “Just a fish, brothers.”

Parehong natawa sina Austin at Alano. Mayamaya ay pumalatak ang huli. “To kiss the rose, the thorns

will make you bleed. I’ve heard that line somewhere.”

Natigilan si Ansel. Was he really willing to bleed… just for a single rose?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.