THE LAST WOLF PRINCESS

KABANATA 17



Nagulat pa sila nang makita ang isang kulay pulang sasakyan na nakaparada sa harap ng grocery store. Kitang-kita niya na lumabas mula ro'n si Hyulle. Napangiti na sana siya ngunit mabilis ring nawala iyon, nang makita niya ang isang babaeng sumunod na bumaba rito.

"Hey! Manang Martha!" sigaw ng babae malayo pa lang sila. At nginitian naman ng matanda ang babae. Siya naman ay sumeryoso lang ng tingin sa mga ito hanggang sa makalapit sila ng tuluyan.

Mabilis na kinuha ni Hyulle ang mga hawak niyang plastick na puno ng mga pinamili nila. Kaya pala sobrang dami ng mga pinamili nila, naamoy na niya ang hindi magandang amoy ng babaeng ito na nasa harapan niya.

Medyo sumimangot rin ito nang tumingin sa kanya. At muling nang sumakay sa kotse, doon ito umupo sa unahan, sa tabi ng driver seat.

Hanggang sa tuluyan na silang makasakay ni Manang Martha, nagsimula itong magk'wento at simula umpisa ay wala pa rin itong tigil sa kakak'wento sa kanila. Ang lugar na pinanggalingan nito ang parating ibinibida. Siya naman ay tahimik lang, at sa labas ng bintana nakatingin.

"Prin-- a, Polina, are you okay? May dinaramdam ka ba?" basag ni Hyulle sa katahimikan niya. Napairap naman siya rito at hindi sinagot ang tanong ng binata.

Hindi niya maunawaan ang sarili niya ngunit nakakaramdam siya ng inis nang mga sandaling iyon, muli na lang niyang ibinaling ang tingin sa labas ng sasakyan. Hanggang sa makarating na sila sa mansiyon ay walang kibong bumaba si Polina at Manang Martha. Tinulungan ni Hyulle si Manang Martha na dalin ang lahat nga mga pinamili nila sa kusina. Habang siya ay naiwan sa harap ng kotse. Aalis na sana siya ng hablutin ni Althea ang isang braso niya. "How dare you to act like that kay Hyulle?" maangas na tanong sa kanya ni Althea.

"Ano bang pakialam mo?" nakataas naman ang kilay na tanong niya.

"Ako pa talagang tinanong mo ha? Sino ka ba sa buhay niya?" tanong naman muli ni Althea. At mga tingin nito sa kanya ay halatang may pagseselos at may pagtingin ito kay Hyulle.

"Wala kanang pakialam dun kung sino ako sa buhay niya, bakit ikaw sino ka rin ba?"

"Ako lang naman ang mate niya," nakataas ang kilay na sambit nito sa kanya. Napatigagal naman siya, at kamuntik nang malaglag ang panga niya habang nakatingin sa dalaga.

Mabilis niyang hinablot ang braso niya na hawak nito sabay sabing, "In your dreams!" Sabay talikod sa babaeng nagsasabing ito raw ang mate ni Hyulle.

Ngunit nang makapasok siya sa loob at nakasalubong niya si Hyulle, "O Polina, anong nangyari diyan?" takang tanong nito sa kanya na sa namumulang braso niya nakatingin. Sa higpit ng hawak nito sa braso niya ay halos mapasaan na siya. "Edi gawa ng mate mo!" sigaw niya sabay talikod sa lalaking si Hyulle at naiinis na tinungo ang kusina. Naiwan naman si Hyulle na napapakamot sa batok nito.

"Althea, anong nangyari? Bakit mo naman ginawa iyon kay Polina, alam mo namang mahina siya," tanong ni Hyulle sa kababata niyang matagal nang may pagtingin sa kanya.

Isang black wolf rin si Althea, matagal na ring naninirahan sa mundo ng mga tao. Sa tagal na nito sa mundong iyon ay alam na alam na rin nito ang kalakaran at pamumuhay sa mundo nila.noveldrama

"Tinuruan ko lang ng leksiyon!" naka-cross arms na sambit ni Althea. At sinabayan pa ng irap.

"Doon ako sa silid mo mamaya, babahaginan kita ng lakas ko, tingnan mo ngang sarili mo?" sambit pa nito sa kanya.

"Ano, huwag na, kayo ni Polina ang matutulog doon," sagot naman ni Hyulle na nakayuko lang, umupo ito sa sopa, at huminga ng malalim.

"Hyulle! Tingnan mo ngang sarili mo? Ilang buwan ka na bang hindi natutulog sa silid mo?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang oras nila sa kanilang mundo, na tanging sa silid lamang nito gumagana. "Kinakailangan ko siyang patulugin ro'n kung hindi ay hindi siya lalakas."

"At okay lang na ikaw naman ang manghina? Ano ba, hindi ba niya alam ang pahirap na ginagawa niya sa iyo? Dapat nga ay pinaslang mo na siya!

Pero hanggang ngayon ay buhay pa," sambit ni Althea. "Ako na lang ang papaslang sa kanya!" nsabi nito sa isipan lamang ngunit narinig ni Hyulle ang iniisip nito.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Sige gawin mo iyan, kung nais mong mamatay na rin ako," sambit na lang ni Hyulle na patuloy na napayukyuk sa inuupuang sopa.

Nanlaki naman ang mga mata nito, at mabilis na napalapit sa binata. Nakikita ang pag-aalala sa mga mata ng dalagang si Althea. Tinitigan nito ang mukha ni Hyulle, at nakita nito ang pag-asul ng bilog ng mga mata ni Hyulle, tanda nang nakatagpo na nito ang mate nito.

"Siya ba ang mate mo?" nakakunot ang noo nitong tanong sa binata. Na noo'y halos mapapikit na dahil pala sa panghihina. "Hyulle! Hyulle?" tawag pa nito sa binatang tuluyan nang nakatulog. Tapos noon ay naglaho si Althea, sa harapan ni Hyulle. Sakto namang napadaan si Polina sa sala, kung saan nakatulog si Hyulle.

Natanaw niya ito doon at nagtaka siya sa kakaibang itsura ng binata. Napansin niyang tila nagpapabago-bago ang kulay ng buhok ni Hyulle. Pumuputi iyon, tapos ay dagli ring babalik sa pagiging itim.

Sa kanyang pagtataka at pagnanais na makita kung ano ang nagaganap kay Hyulle, nilapitan niya ito. At bahagya pa siyang yumukod upang tingnan ang mukha nito kung mayroon ring pagbabago. Naisip niyang tila nagbabalik ang anyo nito sa pagkatanda. Tumatanda na ba siyang muli? Naibulalas niya sa isipan niya.

Ngunit nagulat pa siya ng bigla na lang siyang nakawan ng halik ni Hyulle, dahilan para matumba siya at tuluyang mapasalampak sa sahig. "Ano ba? Bakit nagnanakaw ka ng halik! Bastos!" bulyaw niya sa binata.

"Ha? Ang lapit kasi ng mukha mo pagdilat ko, akala ko gusto mong magpahalik," nakangising sambit ni Hyulle. At sa isang iglap ay parang nanauli ang lakas nitong bumangon at muling umupo sa sopa.

Siya naman ay nakatayo nang muli, at tangkang aalis na. Ngunit bumilis ang tibok ng puso niya, na tila ba lalabas na iyon sa loob ng kanyang katawan ng bigla na lang siyang kabigin ni Hyulle at yakapin. "Isang segundo, pakiusap, ganito lang muna tayo, pwede ba? Huwag kang gumalaw," nakikiusap na sambit ni Hyulle sa kanya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.