Chapter 18
Chapter 18
“BROTHER, I want you to meet the real Holly Lejarde, the love of my life, the sun in my day and the
soon to be queen of the Williams Prime Holdings Incorporated and-“
“Tama na. Sobra-sobrang titulo na ‘yan.” Nangingiting putol ni Holly sa mga sasabihin pa sana ni
Aleron. Mula sa lapida ni Athan ay bumalik ang mga mata niya sa mukha ng nobyo. Nahuli niya itong
nakatitig rin sa kanya. She was overwhelmed by the sparkle in his blue eyes. Hindi niya alam na
magiging posible pa pala ang ikalawang pagkakataon para sa kanila. Hindi niya rin inakalang ito ang
magbabalik ng ngiti sa mga labi niya.
Na-missed niya rin ang ngumiti, ang gumising sa umaga na puno ng saya ang puso niya, ang matulog
sa gabi na kampante at hindi mag-aalala o matatakot para sa susunod na araw. Na-missed niya ang
magmahal. Na-missed niya ang magaan na pakiramdam na iyon sa puso niya. Matapos nilang
magkasundo sa wakas ni Aleron ay nanatili pa sila ng dalawang araw sa isla bago nagpasundo ang
binata sa chopper. Lumapag iyon sa helipad ng mansyon ng pamilya ng binata kaya sa kauna-
unahang pagkakataon ay nasilayan ni Holly ang lugar kung saan lumaki si Aleron. Inikot na muna siya
nito roon.
Nabigla pa siya nang makita ang malaking portrait niya sa sala roon pati na sa kwarto ni Aleron. Kaya
pala ganoon na lang kalapad ang mga ngiting isinalubong sa kanya ng mga kasambahay roon ay kilala
na siya ng mga ito. Hindi man sa pangalan kundi sa mukha dahil hindi naman daw likas na palakwento
ang binata ayon sa mayordoma roon. Natuwa pa ang mga itong sa wakas ay dinala na raw siya ni
Aleron roon.
Kahit ang mansyon roon ay mayroong kombinasyon ng pink at puting mga kulay. Lumawak ang
pagkakangiti ni Holly. Napakadali nang ngumiti ngayon. She wanted to believe that the worst part of
their relationship was over. Matapos nilang maglibot sa mansyon ay dumeretso sila sa sementeryo
para bisitahin sina Athan at Hailey. Nauna na nilang dinaanan ang kakambal niya. Pagkatapos niyon
ay ihahatid na siya ni Aleron sa mansyon ng kanyang mga magulang para ipaliwanag na rin daw ang
panig nito at pormal na makahingi ng tawad sa mga nangyari noon.
Sobra kung bumawi ngayon ang binata. Kahit sa biyahe nila kanina ay hindi nito binitiwan ang palad
niya. Nagsama pa ito ng driver sa kotse para solo umano nila ang backseat.
“I’m going to work hard for your parents to accept me again, Holly. Hindi ako titigil. Liligawan ko sila
araw-araw hanggang sa makuha ko uli ang approval nila.”
“Our case is different, Aleron. Pero wala namang perpektong tao kaya wala ring perpektong relasyon.
Maiintindihan at tatanggapin ka rin nila. Siguro hindi man ngayon, hindi man kaagad but I know one
day, they will.” Isinandal ni Holly ang ulo sa balikat ng binata. “Pero kung sakali mang hindi, magtanan
na lang tayo.”
Natawa ng malakas si Aleron. “I would really love that-”
“Williams!”
Pareho silang natigilan ng nobyo nang makarinig ng sigaw na iyon. Kumabog ang dibdib ni Holly. Mula
nang lumapag sa helipad ng mansyon ng mga Williams ang chopper ay ganoon na ang pakiramdam
niya. Hindi na nga lang niya sinabi kay Aleron dahil wala namang sapat na basehan ang kaba niya.
Pero ngayong narinig niya na ang para bang puno ng poot na boses na iyon ay parang mga
kampanang sabay-sabay na tumunog sa isip niya ang mga babala.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Aleron. Gumanti ito ng pisil para kalmahin siya. Sabay
nilang hinarap ang pinagmulan ng boses. Nakita nila ang isang lalaki na sa palagay ni Holly ay
naglalaro sa late-forties o early fifties ang edad. Matikas pa rin ito, matangkad at maganda pa rin ang
tindig. Nanayo ang mga balahibo niya sa paraan ng pagtitig nito kay Aleron. Nakatayo ito hindi
kalayuan sa kanila.
“Who are you?” Ani Aleron.
“Sinasabi ko na nga ba at magpapakita ka rin.” Sa halip ay sagot ng bagong dating. “Mabuti na lang at
hindi ko pa pinapaalis ang mga bata ko sa paligid ng mansyon mo. Alam mo ba kung gaano kalaki ang
utang ng nanay mo sa akin?” Bumangis ang anyo nito. “Malaki! Iniwan niya ako para sa ’yo! Para sa
lintik na kagustuhan niyang magpaka-ina daw sa ’yo! At gusto kong ibalik sa kanya ang sakit. Ang sakit
ng maiwanan, ang sakit ng mawalan.”
Sa pagkabigla ni Holly ay naglabas ng baril ang estranghero mula sa likuran nito. Dumoble ang bilis ng
tibok ng puso niya nang iumang nito iyon kay Aleron. Para na itong tinakasan ng bait nang mga
sandaling iyon. Kahit paano ay pamilyar siya sa ganoong baril. Kalibre cuarenta y cinco iyon. Ilang ulit
niya nang nakita iyon sa drawer ng daddy niya sa library. Ang pagkakaiba lang ay rehistrado ang sa
daddy niya pero ang baril ng sa estranghero ay hindi siya sigurado.
Nilingon siya ni Aleron. Binitiwan nito ang palad niya. “Go.” Bulong nito sa kanya. “Pumunta ka na
muna sa kotse. You’ll be safe there. Aayusin ko ‘to. Tumawag ka na rin ng pulis. Nasa kotse ang cell
phone ko. Hanapin mo roon ang number ni General Matias.”
Nag-alangan si Holly. Napuno ng takot ang puso niya. Ganoong-ganoon ang pakiramdam niya nang
huling pagkakataon niyang makasama ang kakambal. “Pero-“
“I said go!” Bahagyang dumiin ang boses ni Aleron.
Sa huli ay wala siyang nagawa. “Fine. But don’t get hurt, okay? Promise me.”
“I promise.” Bahagya pang ngumiting sagot ni Aleron bago marahang itinulak palayo si Holly.
“Anuman ang problema, ayusin natin ‘to. Pag-usapan natin ‘to.” Narinig niya pang mahinahong wika ni
Aleron sa estranghero bago niya sa wakas iniwan ang mga ito para makahingi ng tulong. Nanakbo siya
pabalik sa kotse. Pero hindi pa man siya nakalalayo ng husto nang makarinig siya ng dalawang
magkasunod na putok ng baril. Kusang tumigil sa paggalaw ang mga binti niya. Pakiramdam niya ay
sandaling tumigil sa pagtibok ang puso niya. Gumapang ang kilabot sa buong katawan niya.
Nilingon niya si Aleron. Nakita niya ang paluhod na pagbagsak nito sa lupa. “Aleron!” Natatarantang
sigaw ni Holly. Mabilis na tumakbo siya pabalik sa kinaroroonan ng nobyo. Nang tangkang kakalabitin
ng estranghero ang gatilyo ng baril ay hindi na nag-isip pang tinakpan niya ang katawan ni Aleron at
niyakap ito.
Muling umalingawngaw ang isang putok. Sumunod na naramdaman niya ang nakababaliw na sakit na
iyon na para bang nagmumula sa kanyang likod.
“Shit, Holly.” Narinig niyang daing ni Aleron na yumakap rin sa kanya. “I told you to run away.”
“And I told you to never get hurt.” Halos pabulong na sagot ni Holly. Sinikap niyang ilayo ang sarili sa
binata sa takot na mapinsala pa ito sa yakap niya. Pumatak ang mga luha niya nang makita ang tama
nito sa balikat at hita.
Napatitig si Aleron sa duguang mga kamay nito na iniyakap nito sa kanya. Lumarawan ang
pagkagimbal sa anyo nito. “You’re shot.” Pinilit nitong tumayo pero bumagsak ito dahil sa napuruhang
hita nito. Tatayo na sana itong muli nang pigilan niya na ito.
“Stop it.”
“But I need to call for help! You’re bleeding!” Giit ni Aleron. Parang bulang bigla na lang naglaho ang
estranghero roon.
“How can you worry about me? You were shot yourself, Aleron.”
“Pero hindi ang mga ito ang papatay sa akin kundi ‘yang sakit na alam kong nararamdaman mo.” Hirap Content © NôvelDrama.Org.
man ay inalis ni Aleron ang jacket nito at ipinaibabaw sa katawan ni Holly.
Inabot niya ang kamay ng binata nang makita ang pagluha nito. “Just hold my hand, Aleron. So it
wouldn’t hurt so badly.” Tumabi ito sa kanya. Namumutla na ang anyo nito. Mahigpit na hinawakan nito
ang palad niya. Naipikit niya ang mga mata. Pakiramdam niya ay pinupunit ang bawat himaymay ng
pagkatao niya pero hindi niya magawang magsalita, hindi niya magawang magreklamo lalo na at alam
niyang doble ang iniinda ng binata.
Isinandal ni Holly ang ulo sa dibdib ni Aleron. “Bakit… bakit sa tuwing a-akala ko ay okay na tayo s-
saka may… may n-nangyayari?” Naghihinanakit na tanong niya sa nanghihinang boses. “Aren’t we d-
deserving of a beautiful s-story, Aleron?”
Dumilat siya. Sa nanlalabong mga mata niya ay pinakatitigan niya ang magkadikit na mga palad nila ng
binata. Her blood was mixed with his.
“I’m sorry I w-wasn’t able to protect you, Holly. Pero ‘wag ka munang sumuko. I don’t see our e-end
yet. I don’t even hear the s-sound of death. Do you k-know what I hear?”
“What?” Basag ang boses na sagot ni Holly. Unti-unti nang namimigat ang talukap ng mga mata niya.
“I h-hear the wedding b-bells. In my mind, I s-see you walking down the a-aisle. I see u-us, Holly. Do
you s-see that, too?”
“Yes.”
“Keep s-seeing that. H-hold on to that d-dream. When all these are o-over, I’m going to m-make that
dream come t-true.” Pahina na ng pahina ang boses na bulong ni Aleron hanggang sa mayamaya ay
hindi na ito narinig ni Holly.
Bumagsak ang katawan ng binata sa lupa. At dahil nakasandal siya rito ay kasama siya nitong
bumagsak. Sa huling pagkakataon ay nagmulat siya. Inabot niya ang kamay ni Aleron bago siya unti-
unting pumikit.